PROGRAMANG HEALTH MATTERS NG DZUP 1602, TUMANGGAP NG PARANGAL MULA SA HILDEGARDE AWARDS

 
 
Binigyang parangal ang programang Health Matters ng DZUP 1602 sa isinagawang 8th Hildegarde awards for women in media and communication.


Binubuo ang Health Matters nina Professor Fernando Austria Junior bilang host, Bianca Tallafer bilang executive producer at ng UP College of Medicine bilang partner producer.


Naganap ang awarding ceremonies noong March 8, 2014, sa St. Scholastica's College Manila campus. Tinanggap ng Health Matters ang Hildegarde Award na Outstanding Achievement para sa kategorya ng Broadcast Media (radio).


Kasama ng Health Matters, binigyan din ng pagkilala ang iba't iba pang mga programa, palabas, at kampanya sa mga larangan ng  advertising, development communication, print, online media at telebisyon. Pinarangalan din ng lifetime achievement award ang aktres na si Monique Wilson.
 
Nilalayon ng Hildegarde Awards na kilalanin na bigyang pugay ang mga nagawa ng iba't ibang kababaihan sa larangan ng media. 
 
Ang Health Matters sa DZUP 1602 ay pwedeng mapakinggan tuwing Martes, 4-5pm. ###